Suplay ng tubig sa isang barangay sa Maynila balik na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Suplay ng tubig sa isang barangay sa Maynila balik na

Larize Lee,
ABS-CBN News
Published Jul 16, 2022 08:33 AM PHT

Masayang gumising ang mga taga-Barangay 628 sa Maynila ngayong Sabado ng umaga.

Hindi kasi nila inasahang magkakaroon na ng tubig sa kanilang mga gripo matapos isara ng Maynilad nitong Biyernes ang isang water valve para ayusin ang nasirang tubo sa may Pureza Street.

Naibsan ang kanilang pangamba lalo na't simot na simot na ang kanilang mga balde at ubos na ang kanilang inimbak na tubig nitong Biyernes.

"Mabuti naman at nagkaroon din kaagad. Kasi sabi nila mga ilang araw daw bago maibalik ang tubig. Kaninang umaga paggising ko binuksan ko ‘yung gripo, nagkaroon kaagad," ani Gerry Ramos.

Si Nanay Alicia Jardin, sabik nang makaligo.

"Dahil hindi nakapaligo kahapon, eh di maliligo na ngayon," sabi ni Nanay Alicia.

Malaki naman ang pasasalamat ng ilang residente dahil sa mabilis na pagkukumpuni ng Maynilad sa nasirang tubo.

“Kailangang-kailangan talaga namin yung mga ganung tubig eh. Siyempre maliligo kami, may mga napasok. Salamat naman… Hindi namin alam saan kami iigib eh,” ani Pepito Jacundia.

Ayon sa Maynilad, magkakaroon ng pansamantalang water discoloration oras na bumalik na ang suplay ng tubig. Kaya kailangang panandaliang padaluyin muna ang tubig hanggang sa luminaw.

Bukod sa Barangay 628, naapektuhan din ng water interruption ang ilan pang barangay sa Maynila, Parañaque, Las Piñas, at Makati.

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT