Water interruption sa ilang bahagi ng Metro Manila, umarangkada na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Water interruption sa ilang bahagi ng Metro Manila, umarangkada na

ABS-CBN News
Published Jul 15, 2022 04:27 PM PHT

MAYNILA - Umarangkada na ang water interruption ng Maynilad sa ilang lungsod sa Metro Manila dahil sa nasirang pipeline sa Pureza, Maynila.

Aabutin na ng 24 oras na walang tubig sa mga customer sa ilang bahagi ng Maynila, Makati, Pasay, Paranaque at Las Pinas, at aabutin ito hanggang alas-11 ng umaga ng Hulyo 16.

Naunang tinantiya ng Maynilad na magagawa ang pinsala nang halos 36 oras. Pero tantiya pa lang ito dahil hindi pa nakikita kung gaano kalaki ang dapat ayusin.

“We are going to start dewatering the pipe. So, once na-dewater ‘yung trench, that’s the only time that we can actually see the damage on the pipe and asses kung gaano katagal ‘yung repair works na kakailanganin," ani Maynilad spokesperson Jennifer Casipit-Rufo.

Tiniyak naman ng Maynilad na magde-deploy ito ng mobile water tanker sa mga apektadong lugar para mag-suplay ng tubig.

Nasa 232,000 na koneksiyon ang apektado ng water interruption.

Kaakibat nito, sarado sa mga motorista ang bahagi ng Pureza mula sa kanto ng Magsaysay Boulevard hanggang Anonas Street.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT