Antique inilagay sa state of calamity dahil sa dengue | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Antique inilagay sa state of calamity dahil sa dengue

ABS-CBN News
Published Jul 16, 2022 06:09 PM PHT

Isinailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Antique nitong Huwebes dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng dengue.

Ito ay base sa Resolution No. 047(1)-2022 na naaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Antique nitong July 14, 2022.

Sa latest data na inilabas ng Antique Provincial Health Office umabot sa higit 1,500 na kaso ng dengue habang 6 ang namatay sa buong lalawigan mula Enero hanggang July 15.

Umabot din sa 90 barangay ang nakitaan ng clustering cases ng dengue sa buong lalawigan.
Umabot din sa 90 barangay ang nakitaan ng clustering cases ng dengue sa buong lalawigan.
ADVERTISEMENT
Layunin ng lokal na pamahalaan ng Antique sa pagsailalim ng state of calamity sa lalawigan ay para mas mapaigting ang kampanya kontra dengue sa lugar at magamit ang quick response fund para sa dengue prevention.

Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na naaalarma na ito sa pagtaas ng dengue cases sa buong bansa.

Pinakamarami umano ang mga kaso ng dengue sa Central Luzon, Central Visayas, at Zamboanga Peninsula; habang may pagtaas din sa Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Mimaropa, Metro Manila, Cagayan Valley.

— Rolen Escaniel
PANOORIN
Read More:
dengue
antique
dengue
dengue cases
state of calamity
tagalog news
patrolph
regions
regional news
Antique Provincial Health Office
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT