Tindahan ng car parts nasunog sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tindahan ng car parts nasunog sa QC

Tindahan ng car parts nasunog sa QC

Champ de Lunas,

ABS-CBN News

Clipboard

Itinaas ang ikatlong alarma sa nasunog na tindahan ng piyesa ng sasakyan sa Brgy. Tatalon, Quezon City Biyernes ng gabi. Champ de Lunas, ABS-CBN News.
Itinaas ang ikatlong alarma sa nasunog na tindahan ng piyesa ng sasakyan sa Brgy. Tatalon, Quezon City Biyernes ng gabi. Champ de Lunas, ABS-CBN News.

MAYNILA - Isang tindahan ng car parts sa Brgy. Tatalon, Quezon City ang nasunog nitong Biyernes ng gabi.

Alas 10:50 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa sunog sa 2-storey commercial establishment, ayon kay Inspector Miles Valdez Station 4 Commander ng Quezon City Fire District.

Itinaas ito sa ikatlong alarma alas 11:07 ng gabi bago ito idineklarang fireout, alas 11:55 ng gabi.

Nasa 22 na firetrucks ng BFP ang rumesponde sa sunog. Isa lang ang naging problema, ayon kay Valdez.

ADVERTISEMENT

“Ang naging problema natin dito is 'yung mga double parking sa paligid, malaki naman 'yung kalye kaya lang meron tayong nakitang mga double parking. Pero 'yung fire operation naman natin hindi siya ganun kahirap kasi madali naman natin siyang naapula sa tulong ng barangay kapwa fire volunteer at siyempre ng BFP.”

May fire hydrant na malapit, engine relay at tuloy-tuloy ang suplay ng tubig kaya naapula ang sunog.

Mga gulong at piyesa ng sasakyan ang nasunog, ayon kay Valdez.

Nangyari ang sunog sa kabila ng ulan sa lungsod at may epekto ito sa pag-aapula ng sunog.

“Pag umuulan kasi, ang number 1 na naging delay natin diyan kung malakas 'yung mga dadaanan natin itong baha ngayon pagdating naman sa firefighting, siyempre may tulong 'yan kasi may mga basang paligid so hindi ganoon nakakaapekto masyado 'yung init. Kahit papaano mababawasan siya dahil sa mga basa," ani Valdez.

Mabilis na lumabas ang mag-anak ni Helyn Cabonita na stay-in na empleyado ng tindahan.

“Tulog na po kami bandang 10:30 (ng gabi). Nagising ako kasi maingay, may parang compressor na pumutok, 'yun nagising ako. Tapos nagtakbuhan sila tapos nagsigawan na sila 'sunog, 'sunog'.”

Nasunog ang mga importanteng gamit nila at ang perang nasa alkansya ng mga anak.

Dagdag ng kanyang asawa na si Michael Amar, light material lang ang pagitan ng kwarto nila sa pinagmulan ng sunog.

Walang naiulat na nasugatan o nasawi sa sunog, habang kasalukuyang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad