Bahagi ng Manila Hotel, nasunog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bahagi ng Manila Hotel, nasunog
Bahagi ng Manila Hotel, nasunog
Raya Capulong,
ABS-CBN News
Published Jul 13, 2023 07:26 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MANILA — Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa isang bahagi ng Manila Hotel nitong Huwebes ng hapon.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Fire District, sumiklab ang sunog bandang alas-2:50 ng hapon at partikular na natupok ang health club ng naturang hotel.

"Second floor health club female locker, female sauna... pagdating kasi ng tropa natin sa area, puro usok na so at the first sign ng smoke pa lang, natawagan na tayo... kaya nagtaas tayo para mas maraming supply ng tubig," ani Christine Cula, district fire marshal sa Maynila.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente pero may mga inilikas kung saan nangyari ang sunog.
Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente pero may mga inilikas kung saan nangyari ang sunog.
ADVERTISEMENT
Nagpaalala si Cula sa publiko na tuwing papasok sa isang establisimyento ay agad hanapin kung nasaan ang mgag fire exit para umano alam nila kung saan magpupunta sakaling may emergency.

"For example, may usok na. Ang gagawin natin, you crawl low so doon tayo malapit sa sahig kasi diyan ang concentration ng oxygen para hindi natin malanghap ang usok," dagdag ni Cula.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog, pati na ang halaga ng natupok na ari-arian.

Naapula ng mga bumbero ang sunog pasado alas-4 ng hapon.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT