Sunog sumiklab sa residential area sa Sampaloc | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sumiklab sa residential area sa Sampaloc

Jose Carretero,
ABS-CBN News
Published Jul 06, 2023 09:24 PM PHT

MAYNILA - Pitong bahay ang naputok habang tatlo ang partially damaged matapos sumiklab ang sunog sa 80-B Loreto Street Sampaloc Maynila Huwebes ng hapon.

Ayon kay Senior Inspector Alejandro Ramos ang Chief Operation ng Bureau of Fire Protection Manila, alas-5:19 ng hapon ng makatanggap sila ng tawag na may nasusunog na bahay sa lugar.

Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog bandang 5:26, at idineklara itong fire out 6:42 ng gabi.

Dikit-dikit at gawa sa light materials ang mga bahay kaya madaling nilamon ng apoy.

ADVERTISEMENT
“Lahat po ng mga houses po dito ay made of light materials that’s why po mabilis pong kumalat ang apoy. Kaya po nanigurado na tayo nagsecond alarm po to make sure na hindi na siya lalaki,” ani Ramos.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa dahilan ng apoy na nagsimula sa ground floor ng isang bahay.

Ayon sa ilang residente, nagluluto ang nangungupahan sa bahay ng bigla na lang sumiklab ang apoy.

Aabot sa P300,000 ang halaga ng pinsala sa sunog, ayon sa BFP.

Isa sa mga nasunugan si Linda Mangaba. Wala siyang naisalbang gamit, at nadamay din sa sunog ang kanyang tindahan.

“Bigla po, ang bilis lang nang pangyayari eh nakita na lang po namin biglang lumaki ang apoy po wala na po, wala pong naisalba ito lang po,” ani Mangaba.

Inaalam pa kung ilang pamilya ang naapektuhan ng sunog.

May mga social worker nang nag-aasikaso sa mga nasunugan.

Nagbabala naman ang BFP ngayong may El Niño na mag-ingat lalo’t asahan anila ang mainit ma panahon.

“Kami po ay pauli-ulit na nagpapa-alala lalo na sa panahong ito na we are suffering po yung El Niño po sana po maging doble o triple po tayong mag-ingat para po hindi po natin danasin ang sakunang kagaya nito, napakahirap po,” ani Ramos.