2 endangered species ng pawikan pinakawalan sa Capiz | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 endangered species ng pawikan pinakawalan sa Capiz

ABS-CBN News
Published Jul 13, 2021 08:01 PM PHT

ROXAS, Capiz- Dalawang endangered species ng pawikan ang pinakawalan sa dagat sa Roxas City, Martes ng umaga matapos sila matagpuan at masagip sa dalawang bayan sa Capiz.

Bago sila pinakawalan, nilagyan sila ng tag at binigyan ng pangalan.

Ang una ay tinawag na Rosalea alinsunod sa pangalan ng ina ni Capiz Gov. Esteban Evan "Nonoy" Contreras.

Si Rosales ay may habang 89 centimeters at may lapad na 78 cm. Natagpuan ito sa dagat ng Sapian at nai-turn over sa opisyal ng probinsya.

ADVERTISEMENT
Ang isa naman ay pinangalanang Evalyn, na natagpuan sa bayan ng Ivisan. May haba itong 79 cm at may lapad na 72cm.

Ang pagpapakawala sa mga pawikan sa karagatan ay pinangunahan nina Contreras at ng iba pang opisyal ng lalawigan, kasama ang DENR Capiz.

Ayon kay Contreras, kailangang ipagbigay-alam sa mga awtoridad ng mga residente ang mga mahuhuling pawikan para mabigyan ng sapat na pag-aalaga at maibalik sa karagatan.

—Ulat ni Rolen Escaniel
KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT