Listahan ng mga lugar sa Metro Manila na puwedeng pasyalan ng mga bata ilalabas
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Listahan ng mga lugar sa Metro Manila na puwedeng pasyalan ng mga bata ilalabas
ABS-CBN News
Published Jul 11, 2021 04:09 PM PHT
|
Updated Jul 11, 2021 06:42 PM PHT

MAYNILA — Sa Baywalk sa Maynila nagpunta ang ilang pamilya ngayong Linggo, ang ilan kasama ang kanilang mga anak.

Pinayagan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na makalabas ng bahay ang mga nasa edad 5 pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

May rumorondang mga pulis at taga-Philippine Coast Guard para paalalahanan ang mga namamasyal sa Baywalk na sumunod sa minimum health standards.

Sa naging pulong ngayong Linggo ng Metro Manila council, nagdesisyon ang mga alkalde sa capital region na sundin ang rekomendasyon ng IATF.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, dumaan naman ang rekomendasyon sa mga eksperto at Department of Health, at kailangan din ng mga bata na lumabas.

Sa mga susunod na araw, magpapalabas umano ng listahan ang bawat lungsod kung saan lang puwede ang mga bata.

"Ilalabas natin ang listahan para may guide lang ang nasa Metro Manila, 'yong mga different parks na pwede nilang puntahan... pero keeping in mind 'yong capacity," ani Abalos.

Magkakaroon din ng mga bantay sa mga tutukuying lugar para matiyak ang kapasidad ng lugar at masunod ang physical distancing ng mga bata.

Muli ring nilinaw ng IATF ngayong Linggo na hindi nila basta ibinaba sa 5 taong gulang ang mga pinapayagang makalabas ng bahay.

Pabor ang public health expert na si Dr. Anthony Leachon na payagan nang lumabas ang mga bata pero maaari aniyang gradual o dahan-dahan lamang.

Puwede umanong 10 hanggang 15 taong gulang muna ang payagan, at pagkatapos ay obserbahan sa loob nang 1 buwan kung nagkaroon ng pagtaas ng mga kaso sa mga bata.

Ikinatuwa naman ng Department of Tourism ang bagong patakaran.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, oportunidad ito sa mga pamilya na bumisita sa mga outdoor destination tulad ng Intramuros.

— Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
restrictions
children
IATF
GCQ
MGCQ
quarantine protocol
Metro Manila
Metro Manila Council
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT