TINGNAN: Babaeng pulis pinasuso ang umiiyak na sanggol na iniwan sandali ng ina

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2021 02:59 PM | Updated as of Jul 11 2021 03:26 PM

Pinuri ng mga netizen ang isang babaeng pulis matapos pasusuhin nitong Sabado ang isang umiiyak na sanggol na sandaling iniwan ng kaniyang ina sa Capiz.

Nasa isang "Bahaynihan" Project ng 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company, na ginanap sa Barangay Quinayuya sa bayan ng Dao, si Police Corporal Lady Lee Berganio nang tumugon ito sa pangangailangan ng 8-buwan na batang lalaki.

Isa sa mga recipient ng project ang ina ng bata at sandaling umalis nang umiyak ang sanggol. 

Ayon kay Berganio, nang makita niyang umiiyak ang sanggol, nilapitan niya ito at kusang loob na pinasuso.

TINGNAN: Babaeng pulis pinasuso ang umiiyak na sanggol na iniwan sandali ng ina 1
Courtesy of 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company

- Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC