ALAMIN: Breastfeeding tips sa gitna ng pandemya | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Breastfeeding tips sa gitna ng pandemya

ALAMIN: Breastfeeding tips sa gitna ng pandemya

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 17, 2020 06:56 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Nagpaalala ang Pangasinan Provincial Health Office sa mga nanay na mas dapat nilang ituloy at paigtingin ang breastfeeding sa gitna ng pandemya lalo't malaki ang naitutulong nito para palakasin ang resistensiya at kalusugan ng mga sanggol.

Sabi ng health office sa mga nanay, ang exclusive breastfeeding sa mga bagong panganak na sanggol hanggang anim na buwan o 2 taong gulang ay labis ang benepisyo sa bata.

"Dahil po ang gatas na galing sa ina ay napakasustansiya po, maraming nutrients po na meron po ito at hindi na po kailangan na bigyan pa ng vitamins ang isang bata na purely breastfed ng kaniyang nanay," ani Dr. Cielo Almoite, assistant provincial health officer ng Pangasinan.

Nagbigay naman sila ng tips para hindi magkasakit ng COVID-19 ang mga nagpapasusong ina:

ADVERTISEMENT

• Bawal magpasuso nang walang face mask kung may sintomas o exposure sa COVID-19
• I-sanitize ang mga kamay bago magpasuso
• Dumistansya ng isang metro sa iba kung magpapasuso
• Alamin ang tama at totoong impormasyon ukol sa pagpapasuso sa mga midwife o nurse sa barangay

Kada araw, hindi bababa sa tatlo ang naitatalang ipinapanganak sa mga ospital ng pamahalaan sa Pangasinan.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng formula o commercial milk sa mga sanggol, alinsunod sa Expanded Breastfeeding Promotion Act at Philippine Milk Code.

Nauna nang sinabi ng World Health Organization na walang sapat na pag-aaral na nagsasabing naipapasa ang virus ng COVID-19 sa pamamagitan ng gatas ng ina.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.