Mahigit P90 milyong 'pekeng' sigarilyo sinira sa Cebu | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mahigit P90 milyong 'pekeng' sigarilyo sinira sa Cebu

ABS-CBN News
Published Jul 09, 2021 03:32 PM PHT

MAYNILA - Umabot sa mahigit P90 milyong halaga ng pekeng sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs sa lalawigan ng Cebu.

Sa pasilidad ng Taiheiyo Cement Philippines Inc isinagawa ang pagsira.

Nasabat ang mga pekeng sigarilyo sa Port of Cebu nitong nakalipas na buwan ng Hunyo at dumating sa bansa sa dalawang magkahiwalay na shipments mula sa China.

Ayon sa Customs, idineklara ang shipment bilang mga table panels, cabinet at mga upuan.

ADVERTISEMENT
“We have partnered with TCPI for the use of its facilities in compliance with Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero’s directive to dispose forfeited cigarettes through burning in the furnaces of cement plants”, ani Deputy District Collector for Operations Marc Anthony Patriarca.

Tiniyak naman ng pamunuan ng TCPI na mahigpit ang kanilang pagsunod sa mga environmental protocols sa pagsira ng ganitong mga klaseng produkto.

Sinabi ng Customs na hindi ito ang unang beses na umabot sa milyong-milyong pisong halaga ng mga pekeng sigarilyo ang sinira.

Noong nakaraang taon, walong shipments ng counterfeit cigarettes ang winasak na rin sa Cebu na nagkakahalaga ng P374 milyon.

— Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT