Kalahating milyong pisong pekeng sigarilyo, nasabat sa Makati | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kalahating milyong pisong pekeng sigarilyo, nasabat sa Makati

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Feb 20, 2021 04:51 AM PHT

MAYNILA - Arestado ang tatlong lalaki na nagbenta umano ng mga pekeng sigarilyo sa isang negosyante sa Makati.

Ayon sa Southern Police District, nagsumbong ang isang negosyante sa mga bantay-bayan ng Barangay Tejeros matapos siyang magduda sa mga nabili na sigarilyo.

Nag-order umano ito noong February 15 at 16 ng siyam na kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P487,000.

Tiyempo naman na nag-message ulit ang seller at tinanong ang negosyante kung gusto niya magdagdag ng sampung kahon pa.

Pumayag ang negosyante at nagpadeliver ulit sa bahay niya. Tinawagan na rin ng negosyante ang mga taga-barangay at maging ang isang representative mula sa kumpanya ng sigarilyo para matingnan ang produkto.

Pagkadeliver ng mga sigarilyo, hinuli agad ang tatlong lalaki.

Nakumpiska mula sa kanila ang mga kahon ng sigarilyo na may limampung reams bawat box. Nagkakahalaga ang mga umano'y pekeng sigarilyo na P498,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong estafa at paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang supplier ng mga suspek.

FROM THE ARCHIVES
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT