P5.6 milyong halaga ng ipinuslit na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P5.6 milyong halaga ng ipinuslit na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga City

P5.6 milyong halaga ng ipinuslit na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga City

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 29, 2021 04:25 PM PHT

Clipboard

Nasabat sa magkahiwalay na operasyon ng awtoridad ang halos 200 kahon ng sigarilyo na sakay ng dalawang bangka sa Zamboanga City.

ZAMBOANGA CITY - Halos 200 karton ng ipinuslit na sigarilyo ang nasabat sa dalawang magkaibang operasyon ng mga pulis at Bureau of Customs sa naturang lungsod nitong Lunes.

Alas-2 ng madaling araw ng Lunes nang mahuli ng awtoridad ang isang bangka sa karagatang sakop ng Barangay Baliwasan na may kargang 90 karton ng iba't ibang klase ng sigarilyo.

Makalipas ang isang oras, isang bangka rin na may kargang 70 karton ng sigarilyo ang nahuli sa Barangay Mariki.

Walang naipakitang kaukulang dokumento ang mga boat crew kaya isinailalim sila sa kustodiya ng BOC.

Nagsagawa na ng joint inventory ang iba't ibang ahensya kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency na nagkasa rin ng panelling para malaman kung may droga sa mga nasabat na karton ng sigarilyo.

ADVERTISEMENT

Tinatayang aabot sa P5.6 milyon ang halaga ng smuggled na sigarilyo.

- Ulat ni Leizel Lacastesantos

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.