PatrolPH

Opisina sa Naga City Hall ninakawan

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2022 01:26 AM

Kuha ng Naga City Police Office
Kuha ng Naga City Police Office

Nilooban ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang opisina ng Naga City Hall, Miyerkoles ng gabi.

Sinira ng kawatan ang sliding window ng Human Resource Management Office kung saan natangay ang isang laptop na higit P37,000 ang halaga at P5,000 cash sa drawer ng 52-anyos na acting head ng HRMO.

Ayon kay Police Senior Master Sgt. Tobias Bongon III, tagapagsalita ng Naga City Police Office, may CCTV camera sa palibot ng opisina, pero hindi gumagana dahil under renovation ang ilang bahagi ng city hall building.

Aniya, pinag-aaralan ng pulisya kung inside job ang pagnanakaw. 

Pinagpapaliwanag na rin umano nila ang ilang public safety officer na naka-duty sa city hall compound. —Ulat ni Jonathan Vega Magistrado

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.