KWF lumagda sa kasunduan para sa pagbuo ng Filipino Sign Language unit | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

KWF lumagda sa kasunduan para sa pagbuo ng Filipino Sign Language unit

KWF lumagda sa kasunduan para sa pagbuo ng Filipino Sign Language unit

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Gumagamit ng Filipino Sign Language  ABS-CBN News/File
Gumagamit ng Filipino Sign Language (FSL) ang isang kalahok sa forum sa the De La Salle University sa Maynila, Nobyembre 13, 2018. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA — Lumagda ang pamunuan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ilang organisasyon ngayong Miyerkoles sa isang kasunduang naglalayong palakasin ang Filipino Sign Language sa bansa.

Kabilang sa mga lumagda sa memorandum of agreement ang National Coordination Network of Deaf Organization at National Coordination Network for Interpreting.

Sa ilalim ng naturang kasunduan, magtatalaga ang KWF ng unit ng Filipino Sign Language o FSL na makakatuwang nito sa pagpaplano at implementasyon ng promosyon at pagtururo ng Filipino Sign Language.

Layon din ng naturang kasunduan ang institusyonalisasyon ng wikang senyas sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.

Virtual ang naging programa kung saan dumalo ang mga opisyal at kinatawan ng KWF at partner agencies nito gaya ng Philippine Federation of Deaf, Philippine National Association of Sign Language Interpreters, at Philippine Registry of Interpreters for the Deaf.

ADVERTISEMENT

Komisyon sa Wikang Filipino
Pagpapasinaya sa tanggapan ng tanggapan ng Filipino Sign Language unit. Larawan mula sa Komisyon sa Wikang Filipino

Sa ilalim ng Filipino Sign Language Act na sinimulang ipatupad noong 2018, idineklara ang FSL bilang pambansang wikang senyas ng mga deaf na Pilipino.

Ito ay gagamitin bilang opisyal na wikang senyas sa mga transaksiyon ng mga deaf sa pamahalaan, ayon sa batas. Gagamitin din ang FSL sa mga paaralan, broadcast media, at lugar ng trabaho.

Gayundin, itinatakda ng batas na ito ang pagbuo ng isang sistema ng pambansang pamantayan para sa pag-interpret sa FSL.

Ang batas na ito ay kinilala ng World Federation of the Deaf bilang huwaran ng legal na pagkilala sa pambansang wikang senyas.

Itinalaga ang KWF na magpatawag ng pulong sa inter-agency council para sa taunang monitoring at ebalwasyon ng implementasyon ng batas na ito.

Ayon kay KWF Commissioner Benjamin Mendillo Jr., umaasa ang komisyon na lalo pang lalawak ang pakikipag-ugnayan nito sa iba't ibang civil society organizations para sa kapakanan ng Filipino deaf community.

Kasabay nito, pinasinayaan din ng komisyon ang tanggapan ng Filipino Sign Language unit na matatagpuan sa Malacañang Complex sa Maynila.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.