We rely on visuals: Pinoy deaf community nanawagan ng mas mabilis na internet | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

We rely on visuals: Pinoy deaf community nanawagan ng mas mabilis na internet

We rely on visuals: Pinoy deaf community nanawagan ng mas mabilis na internet

ABS-CBN News

 | 

Updated May 21, 2020 08:27 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYILA — Nananawagan ang Philippine Federation of the Deaf, Inc. (PFD) na mas bigyan din ng pansin ang mga gaya nila sa pagtugon ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ipinanganak si Cristabel Luansing na may hearing disability kaya pagsenyas gamit ang Filipino sign language (FSL) ang paraan niya para makipag-usap. Nagtatrabaho siya ngayon bilang isang guro ng FSL.

Kasama ni Luansing ang dati niyang guro na si Pia Gonzales-Jacinto para ikuwento ang mga hamong kinahaharap nila ngayong may pandemic.

Anila, ngayong panahon ng community quarantine ay mas malaking hamon sa kanila ang pagtuturo na kailangan nilang gawin online.

ADVERTISEMENT

Kadalasan kasi umano, hindi maganda ang internet connection.

Kaya may pakiusap ang PFD at ang UP Filipino Sign Language Task Force.

"We need technology. How is it gonna work kunwari maralita sila, ang laptop or internet, paano 'yun?" ani Carolyn Dagani, presidente ng PFD.

"Hindi lahat ng mga deaf, may access sa internet. Hindi lang internet access, but the speed is important for us kasi sa wikang senyas, we’re depending on visual. Kung nagfi-freeze nang konti, wala na," ani Liza Martinez ng UP FSL Task Force.

Panawagan din nila, palakihin pa sana ang nakalaang espasyo sa TV screen para sa mga interpreter, lalo na sa mga balita at educational program para sa mga bata at mapalawak ang video at online learning materials para sa mga may hearing disability.

ADVERTISEMENT

Nang minandato ang pagsuot ng face mask, nahirapan din daw silang mag-lip reading.

Kaya nakaisip ang grupo ni Jacinto na gumawa ng clear face masks para sa deaf community.

"Talagang mahirap lalo na nagre-rely ng communication sa lips para makikita ng mga deaf at the same time protected," ani Gonzales-Jacinto. —Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.