Bagong DOTr chief, sumakay ng MRT-3 para kumustahin ang mga pasahero | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong DOTr chief, sumakay ng MRT-3 para kumustahin ang mga pasahero

ABS-CBN News

Clipboard

Bumisita sa MRT-3 si Transportation Secretary Jaime Bautista nitong Lunes. Larawan mula sa Facebook page ng DOTr

Surpresang sumakay ng MRT-3 si Transportation Secretary Jaime Bautista upang personal na makita ang kalagayan ng mga pasahero ngayong linggo.

Ito rin ang naging tugon ng kalihim sa naging hamon ng isang social media user, sinabi ng Department of Transportation sa Facebook nitong Martes.

Anila, binisita ni Bautista ang Kamuning, Shaw at Taft stations.

Kabilang sa mga naikwento sa kanya ng mga pasahero ang tagal ng kanilang pagpila mula sa security checks, pagbili ng ticket at sa pagsakay sa mismong tren. Nagbigay din ang iba ng suhestiyon kung paano mapapabuti ang pagsakay ng mga pasahero, ayon sa DOTr.

ADVERTISEMENT

Nakausap din umano ng kalihim ang mga teller at tinalakay nila kung gaano karami ang mga pasaherong sumasakay.

Pinadaragdagan ni Bautista ang mas accessible na Commuter Welfare Desk, x-ray machines at emergency medical technicians sa mga istasyon ng MRT-3 para matiyak ang mas maayos at ligtas na biyahe, sabi ng ahensya.

Nakasaad din sa video post na libre na ulit na makasasakay ng MRT-3 ang mga estudyante para sa darating na pasukan mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 4, 2022.

Tututukan rin ng kalihim ang maintenance ng MRT-3.

— Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.