Isko inalok ng P5-M para itigil ang 'paglilinis' sa Divisoria | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isko inalok ng P5-M para itigil ang 'paglilinis' sa Divisoria

Isko inalok ng P5-M para itigil ang 'paglilinis' sa Divisoria

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

May grupong nagtangkang manuhol sa kaniyang opisina para hindi paalisin ang mga vendor sa Divisoria, ayon kay Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno.

Kasunod ito ng pagsisimula ng kaniyang kampanya para wakasan ang pangongotong at linisan ang "dugyot" o maruming lungsod sa pagsisimula ng kaniyang administrasyon.

Ayon kay Moreno, nagpaparinig umano sa kaniya ang ilang grupo na babarayan siya ng P5 milyon kada araw para lang hindi mapatanggal ang mga vendor sa Divisoria.

"May mga ipinaparating daw sa akin na mensahe. Five million (pesos) a day... Kaya siguro mahirap linisin (ang kalsada)," anang alkalde.

ADVERTISEMENT

Bagaman hindi direkta sa kaniya ipinaparating ang panunuhol, tukoy raw ni Moreno kung sino ang mga nasa likod nito.

Ayon sa isang tindera sa Divisoria, ang mga organizer umano ang nakikipag-usap sa mga kawani ng city hall sa umano'y panunuhol.

Sa pagsisimula rin ng unang linggo ni Moreno sa opisina, puspusan din ang mga clearing operation ng pulisya para tuluyang madaanan ang mga kalsada ng Divisoria.

Nadiskubre pa nila na bumara nang husto ang mga basura ng mga vendor kaya binugahan na ng tubig mula sa firetruck ang mga kalsada rito.

Naaresto rin sa Blumentritt, Maynila sa entrapment operation ang dalawa umanong nagpapanggap na kolektor sa city hall na naniningil sa mga vendor.

Hamon naman ni Moreno sa mga mangongotong na huwag siyang subukan.

"Hindi ako nagkulang sa inyo sa babala ha," ani Moreno.

Dahil sa sunod-sunod na operasyon, pansamantalang nanatili ang ilang vendor sa Delpan sa Tondo. --Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.