Mayor-elect Isko 'poposasan' ang mga kapitan na sangkot sa illegal parking, kotong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mayor-elect Isko 'poposasan' ang mga kapitan na sangkot sa illegal parking, kotong

Mayor-elect Isko 'poposasan' ang mga kapitan na sangkot sa illegal parking, kotong

ABS-CBN News

Clipboard

Binantaan ni Manila Mayor-elect Isko Moreno ang mga barangay chairman na sangkot sa illegal parking at kotongan sa Maynila na ipapatanggal sila sa puwesto at poposasan.

Ani Moreno, nais na niyang mawala ang mga obstruction sa kalsada na idinudulot umano ng illegal parking bago siya maupo sa puwesto sa Hulyo 1.

Partikular umano rito ang mga truck na pumaparada sa kahabaan ng Road 10 at sa paligid ng Paco Park, na dahilan ng pagsisikip ng kalye sa lugar.

"Nakikisuyo ako sa inyo, huwag niyo nang antabayanan ang July 1, July 2. When I say poposasan ko kayo I say poposasan ko kayo 'pag nalaman ko na involved kayo sa mga kotong," ani Moreno.

ADVERTISEMENT

Nakatakdang palitan ni Moreno si dating pangulong Joseph "Erap" Estrada sa pagka-alkalde matapos ang 6 taon nitong pagkakaupo.

Kabilang sa mga lilinisin ang mga tindahan ng autoparts sa Laguna Street sa Blumentritt sa Maynila kung saan nakahambalang ang aabot sa 100 tindahan ng mga autoparts.

Imbes na sa loob ng tindahan ay nakabalandra sa kalye ang tambak na mga parte ng sasakyan at trak.

Aminado ang kagawad ng barangay na si Jeffrey Flaviano na pagmamay-ari niya ang ilan sa mga panindang nasa bangketa.

Binalaan din ni Moreno ang mga chairman na sangkot sa pangongotong sa mga vendor sa Divisoria.

Ginagamit pa umano ng ilang vendor ang pangalan ng isang chairman para hindi mapaalis sa puwesto sa kalsada.

Ipapatanggal na rin daw ni Moreno ang towing sa Maynila na ginagamit umano sa pangongotong at makikipag-ugnayan siya sa Department of Public Works and Highways, Metropolitan Manila Development Authority at iba pang ahensiya para malinis at maging maayos ang mga kalye sa kapital.

--Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.