PatrolPH

Negosyante patay sa pamamaril sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2021 12:16 PM

Negosyante patay sa pamamaril sa Capiz 1
Sa loob ng kaniyang car wash pinagbabaril ang biktima ng mga hindi pa nakikilang salarin sa bayan ng Panay sa Capiz. Larawan mula sa Panay police

Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Poblacion Ilawod sa bayan ng Panay sa Capiz, Martes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Charles Bofill, 43 anyos at nakatira sa lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa loob ng kaniyang car wash shop ang biktima nang pasukin ng mga salarin at pagbabarilin ng ilang beses.

Kaagad na tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo.

Isinugod naman sa ospital ang biktima pero idineklara na siyang dead on arrival ng doktor.

Narekober sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng hinihinalang kalibre .45 na baril at isang deformed slug.

Samantala, patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.