PatrolPH

Drug suspect patay nang 'manlaban' sa pulis sa Tarlac

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2021 10:32 PM

TARLAC CITY - Patay ang isang drug suspect matapos manlaban umano sa pulisya sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay Cut-Cut 2 sa Tarlac City Sabado ng gabi.

Kinilala nag suspek na si Ryan Conrad Dare na ayon sa pulisya ay nasa drug watchlist nila. Sangkot umano ang suspek sa kalakalan ng ilegal na droga sa lungsod at mga karatig lugar.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng operasyon ang isang sachet ng shabu, motorsiklo, cellphone at isang baril na may 3 bala.

- ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.