BASAHIN: Sanhi ng volcanic smog sa Taal at paano mag-iingat mula rito | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BASAHIN: Sanhi ng volcanic smog sa Taal at paano mag-iingat mula rito

BASAHIN: Sanhi ng volcanic smog sa Taal at paano mag-iingat mula rito

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 29, 2021 08:11 PM PHT

Clipboard

Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA (UPDATE) - Sa kapal ng bumabalot na volcanic smog o vog hindi na makita ang Bulkang Taal umaga ng Martes.

Zero visibility na rin maging ang lawa at hindi matanaw ang mga bayang nakapaligid sa bulkan, maging ang bundok kung saan naroon ang Tagaytay.

Pinakaapektado ang mga residente sa Laurel, Agoncillo, at Talisay na nababahala sa kanilang kalusugan.

"Nakakasakit sa lalamunan, tatlong araw nang ganyan, nabara sa lalamunan namin kaya maraming nagkakaubo dito lalo na mga bata, delikado," ayon sa residente ng Talisay na si Dolit Dela Cruz.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Phivolcs, patuloy ang pagbuga ng Bulkang Taal ng volcanic sulfur dioxide at steam rich plumes mula sa main crater ng bulkan. Mataas ang antas ng ibinubugang sulfur dioxide ng bulkan sa nakalipas na araw.

Kung noong linggo ay nasa 4,700 tonelada lamang ang antas nito, kahapon ay naitala ang 14,326 tonelada. Dagdag ng Phivolcs, namumuo ang vog dahil sa kawalan ng pag-ihip ng hangin.

"Ibig sabihin pareho lang 'yan ng nakikita nating steam plume, pero dahil nga kung mahina ang hangin at 'yung humidity ay mataas 'yung maraming moisture at hindi ganoon kainit pa ay hindi talaga aakyat nang mataas ang gas na lumalabas kaya nagkakaroon ng volcanic smog o vog," ani Phivolcs Director Undersecretary Renato Solidum.

Pero paglilinaw ng Phivolcs, ang naranasan ng Metro Manila na malabong kapaligiran ay hindi epekto ng vog kundi dahil sa polusyon.

"'Yung napabalita kahapon na umabot sa Metro Manila dahil kakaiba ay mali po 'yun…. Haze dapat ang tawag dito sa Metro Manila o smog dahil polusyon po 'yun dahil sa human activity lalo na sa vehicle,” ani Solidum.

Base naman sa air quality monitoring ng Department of Environment and Natural Resources, naitala ang "unhealthy levels" sa north Caloocan, Mandaluyong, San Juan, at Marikina noong Lunes.

Nangyayari umano ito kapag mataas ang antas ng mga aktibidad sa highly-urbanized areas, at posibleng pinagsamang epekto umano ito ng polusyon at ng aktibidad ng Bulkang Taal.

"Maaaring may kasamang mga fine particles at aerosols na kung saan kung ang direksiyon ng hangin natin ay from south west, papunta sa north east o Metro Manila, maaring madala niya 'yun at makapag-contribute," ani DENR Senior Environmental Management Specialist Jundy Del Socorro.

Dapat umanong tingnan kung maaaring iugnay ito sa ibinuga ng Taal volcano.

Paalaala ng Phivolcs, kapag may volcanic smog ay dapat uminom ng tubig, magsuot ng N95 face mask at hangga’t maaari ay manatili sa loob ng bahay.

Nagdudulot din anila ng pagkairita ito sa mata, lalamunan at ilong.

Delikado rin ito sa mga may sakit sa puso, hika, sakit sa baga, mga may edad, sanggol, mga bata, at buntis.

Plano nang bumili ng lokal na pamahalaan ng Talisay ng mga N95 mask dahil sa nararanasang volcanic smog.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.