Ilang lugar malapit sa Taal Volcano naghahanda sa banta ng asupre | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang lugar malapit sa Taal Volcano naghahanda sa banta ng asupre

ABS-CBN News
Published Jun 16, 2021 06:47 PM PHT

TAAL, Batangas - Makapal na usok ang makikita sa Bulkang Taal lalo na sa umaga.

Nasa 1,000 metro ang taas ng usok bago napadpad sa direksyong hilagang silangan.

Sa kabila nito, tuloy lang ang buhay para sa mga mangingisda sa lawa ng Taal.

"Hindi na po kami natatakot sa bulkan," ayon sa mangingisdang si Anselmo Gamo.

ADVERTISEMENT
Kasama sa ibinubuga ng bulkan ang sulfur dioxide na mapanganib sa kalusugan.

Naitala ng Phivolcs hapon ng Martes ang humigit kumulang sa 4,841 tonelada ng sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan.

Mataas ito sa 500 tonelada kada araw na normal level kapag walang magma activity.

"Nakakasilam sa mata, mahapdi ho. Makati-kati ho s'ya, ang sama ho ng lasa," ayon sa residente ng Agoncillo, Batangas na si Ludy Lendoza.

Dahil pinakamalapit sa bulkan ang Barangay Banyaga, Bilibinwang at Subic, Ilaya sa bayan ng Agoncillo, sila lagi ang nakalalanghap ng asupre na nagdudulot ng pagkakasakit sa mga residente.

Hirap sa paghinga, hinihika, at inuubo ang mga residente, lalo na ang mga bata.

"Mayroon naman kami ibinigay na inhaler sa mga COPD. Tapos yung mayor namin, nagbigay ng mask. 'Yun ang pinakaimportante, N95 mask. Pero yung mga pumupunta sa health center, siguro mga 10 to 15 pa lang naman yung malapit lang sa area, yung from Subic to Bilibinwang. Tapos, we are planning kung talagang sosobra yung amoy, evacuation na lang," ani Barangay Banyaga Chairman Ben Palicpic.

Hindi pa man nakararating sa mga bayan ng San Nicolas at Balete ang epekto ng sulfur dioxide, naghahanda na rin sila kapag nag-iba ang ihip ng hangin.

"Kami naman ay magkakausap na ng mga barangay captains. May pick-up point naman kami dito, pati kung saan kami pupunta. Handa naman kami. Pero sa aming kahandaan, kulang lang kami ng sasakyan," ani San Nicolas Mayor Lester De Sagun.

Nananatiling nasa Alert Level 2 ang Bulkan Taal.
Nananatiling nasa Alert Level 2 ang Bulkan Taal.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Phivolcs, maaaring magkaroon ng steam driven o phreatic na pagputok ang bulkan.

May banta rin ng pagbuga ng volcanic gas na maaaring biglaang maganap at manalasa sa paligid ng Taal Volcano Island.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Asupre
sulfur dioxide
Taal Volcano
bulkan
Bulkang Taal
regions
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT