Ilang fishermen pumalag sa pahayag ni Duterte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang fishermen pumalag sa pahayag ni Duterte

Ilang fishermen pumalag sa pahayag ni Duterte

Chiara Zambrano,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 03, 2020 12:22 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pumalag ang ilang mangingisda sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na payag siyang mangisda ang mga Chinese sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas dahil kaibigan naman ito ng bansa.

Ang maybahay ng isang mangingisda, naisip na dapat nang ma-impeach ang Pangulo.

Ito ay sa kabila ng nangyaring "hit-and-run" sa Recto Bank ng West Philippine Sea, kung saan inabandona ng mga Tsino ang 22 mangingisda hanggang masagip ang mga Pilipino ng Vietnamese vessel.

"Dapat po paalisin na lang po 'yung China do'n sa Recto Bank... Minsan kasi wala na rin kami mahuli. Wala, hirap na. Sa dami nila kasi doon. Mas marami silang nakukuha kaysa sa mga Pilipinong nangingisda," sabi ng mangingisdang si Aldrin Vieña.

ADVERTISEMENT

Umaabot umano sa 30 bakal na barko ng China ang kasabayan ng mga kahoy na lantsa ng mga Pilipino sa Recto Bank.

Ang mga Tsino, gumagamit ng mga pinong lambat na mas marami ang nahahakot.

"Hindi nila kasi nakikita do'n eh. Ang nangyayari ating teritoryo 'yun eh, pinapaalis tayo... Wala na, kanila na 'yon pag nagtagal-tagal," sabi naman ni Rudy Quinto.

Tugon nila ito sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang mga Chinese na mangisda sa EEZ ng Pilipinas sa pinag-aagawang karagatan sa ngalan ng pagkakaibigan.

"We will allow it, because we're friends naman, eh di magbigayan muna tayo. Parang ganun ang punto ng presidente," sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nitong Martes.

Wala naman sa bahay nila ang kapitan ng F/B GEM-VER na si Junel Insigne, pero nagbigay ng opinyon ang misis nito sa sinabi ng Palasyo.

"Parang wala nang karapatan ang Pilipinas doon. Parang Chinese na lang ang sinusunod niya... Naiinis nga ako kanina, nanonood ako ng TV. Sabi ko, maganda parang ma-impeach na 'yan," ani Lanie Insigne.

Nauna nang sinabi ng mga eksperto na labag sa Saligang Batas kung papayagan ng pamahalaan na mangisda ang mga banyaga sa EEZ ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.