Pagpayag sa pangingisda ng China sa teritoryo ng Pilipinas ilegal: Carpio | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagpayag sa pangingisda ng China sa teritoryo ng Pilipinas ilegal: Carpio

ABS-CBN News
Published Jun 26, 2019 06:14 PM PHT

MAYNILA — Labag sa Saligang Batas kung hahayaan ng Pilipinas ang mga Tsino na mangisda sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa, babala ni Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Ayon kay Carpio, bahagi ng national territory ng Pilipinas ang EEZ ng bansa sa West Philippine Sea, lalo’t sinabi na ng UN-backed arbitral tribunal noong 2016 na ang Pilipinas ang may sakop dito.
"The Philippines has exclusive sovereign right to exploit all the fish, oil, gas and other mineral resources in its exclusive economic zone... and no government official can waive this sovereign right of the Filipino people without their consent," ani Carpio sa isang pahayag.

Tugon ito sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang mga Chinese na mangisda sa EEZ ng Pilipinas sa pinag-aagawang karagatan sa ngalan ng pagkakaibigan.

"We will allow it, because we're friends naman, eh di magbigayan muna tayo. Parang ganun ang punto ng presidente," sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nitong Martes.

Pero babala ng mga eksperto, malaking pinsala ang magiging epekto ng pahayag ng Palasyo.
"When you allow other nations, not only China, to extract resources from our country because of our ‘friendly’ relations, you lose leverage, you lose an opportunity to protect your own resources in your own country," sabi ni Dindo Manhit, presidente ng Stratbase ADR Institute.

"Nakita naman natin kung paano mangisda ang mga Chinese... Talagang inuubos po nila hindi lang mga isda kundi pati 'yung tirahan ng mga isda, 'yung mga coral reef," sabi naman ni Jay Batongbacal, direktor ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea.

Sabi pa ni Batongbacal, puwedeng ma-impeach ang Pangulo kung tototohanin niya ang mga sinabi.
"Kung mangyari po 'yun, i-implement nila 'yan ayon sa statement ng Pangulo, ay puwede po siyang kasuhan ng impeachment o kaya puwede ring kasuhan ang mga implementing agencies for dereliction of duty and violation of the law doon naman sa mga regular courts," ani Batongbacal.
Para sa isang mambabatas, malabo mang magkaroon ng numero sa kamara para ma-impeach ang Pangulo, malinaw na may basehan para sa impeachment.
"Nilalabag niya ang kaniyang sinumpaang tungkulin bilang Pangulo na ipatupad ang Konstitusyon so culpable violation of the Constitution. Tapos ang pinag-uusapan pa kasi natin dito, soberanya, teritoryo, likas na yaman ng bansa na para dapat sa mga Pilipino," ani Act-Teachers party-list Rep. Antonio Tinio.
Pero nanindigan ang Malacañang na dapat magtiwala pa rin sa mga hakbang ni Duterte.

"Sila'y magtiwala sa Pangulo sapagka't siya ay gumagalaw, lahat ng hakbangin niya ay batay sa probisyon ng Saligang Batas na bigyan ng proteksyon ang sambayanang Pilipino at pagsilbihan ito," ani Panelo.

Ayon pa kay Panelo, sa dami ng mga umano’y pakinabang ng Pilipinas sa Tsina, tingin ng Pangulo, hindi masama ang magbigay nang kaunti sa isang kaibigan.
—Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
EEZ
exclusive economic zone
Antonio Carpio
Saligang Batas
West Philippine Sea
China
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT