Propesyunalisasyon, modernisasyon ng pangingisda sa Pilipinas itinutulak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Propesyunalisasyon, modernisasyon ng pangingisda sa Pilipinas itinutulak

Propesyunalisasyon, modernisasyon ng pangingisda sa Pilipinas itinutulak

Joanna Tacason,

ABS-CBN News

Clipboard

DAGUPAN, Pangasinan — Ibinaba ng grupo ni Ali Serikon ang makina ng kanilang fishing boat para kumpunihin bago pumalaot sa karagatan at mangisda.

Sabi ni Serikon, kapitan ng bangka, madalas na raw kasi itong pumapalya at tinatapalan na lang din nila ang mga butas ng bangka.

Walang sapat na life vest at fishing equipment at obsolete na rin ang radyo at GPS ng bangka kaya aminado silang taob sila sa ibang fishing vessels na nangingisda rin sa West Philippine Sea.

"Talo talaga kasi kumpleto sila eh. May radar sila, tayo wala," aniya.

"Hanggang ganito muna kasi hindi kami umaabot dun. Kuntento muna kami sa ganito," dagdag naman ng mangingisda na si Jubel Agang.

Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang modernization at professionalization ng pangingisda sa bansa.

Kasunod ito ng nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga Pilipino sa Recto Bank noong June 9, kung saan 22 mangingisda ang iniwan sa dagat. Iniligtas sila ng isang Vietnamese vessel.

ADVERTISEMENT

"There must be a grassroots information campaign para everybody is aware of what they need to do," ani DOTr Undersecretary Fernando Juan Perez.

Sabi naman ng Southern Institute of Maritime Studies, dapat sumang-ayon muna ang Pilipinas sa sinusunod na Cape Town Agreement para maisulong ang tangkang professionalization. Doon umano nakasaad ang pamantayan para sa tamang pangingisda.

"Doon nakasaad 'yung vessel kung anong itsura [dapat ng vessel]. May mahaba, may maigsi. Sa Japan maliit pero mabigat, sa atin mahaba pero magaan," ani Dr. Glenn Mark Blasquez, vice president ng organisasyon.

Mungkahi naman ng National Integrated Fisheries Technology Development Center ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, kung hindi kayang makipagsabayan sa mga kagamitan ay palawigin na lang ang pag-aalaga sa high-value species ng bangus, tilapia, ulang, at sea bass.

"Kapag aquaculture kasi, naipro-program natin iyong pag-ani eh, iyong volume ng ani. Pagka fishing kasi we rely from the wild, hindi natin alam kung lumabas iyong fishermen eh may mahuhuli or wala, at maraming bagyo ngayon lalo na so hindi rin sila makahuli nang marami, tapos kumikipot iyong ating fishing ground," sabi ni Westly Rosario, hepe ng NIFTDC-BFAR.

Handa naman daw sumunod ang mga mangingisda sa planong modernisasyon basta’t tutulungan sila ng gobyerno.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.