Sinadya? Pag-abandona ng Chinese ship sa mga mangingisdang Pinoy binatikos | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sinadya? Pag-abandona ng Chinese ship sa mga mangingisdang Pinoy binatikos

ABS-CBN News
Published Jun 13, 2019 01:40 PM PHT
|
Updated Jun 13, 2019 07:36 PM PHT

MAYNILA — Dapat parusahan ang nasa likod ng ginawang pagbangga at pag-abandona ng isang Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank, West Philippine Sea, sabi ng Malacañang nitong Huwebes.

Maaalalang Miyerkoles nang ilantad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang insidente ng "hit-and-run" na naganap noong Linggo at naglagay sa panganib sa buhay ng 22 mangingisda.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tinawag niya ang insidente bilang hindi makatao at "barbaric."

"The Captain and the crew of the Chinese vessel should not have left the injured party without any assistance or succor. Such act of desertion is inhuman as it is barbaric," sabi nito.

Dahil dito, nais ng pamahalaan na magsagawa ng imbestigasyon ang Tsina upang mapatawan ng kaukulang parusa ang mga nasa loob ng Chinese vessel.

"We call on the appropriate Chinese authorities to probe the collision and impose the proper sanctions to the Chinese crew," ani Panelo.

Ilang senador din ang kumondena sa ginawa ng Chinese vessel.

Ani Sen. Antonio Trillanes, nakaaalarma ang nangyari at posibleng magpainit ng tensyon sa West Philippine Sea.

Mahalaga aniya ngayon malaman kung ano ang tunay na nangyari.
Mahalaga aniya ngayon malaman kung ano ang tunay na nangyari.
ADVERTISEMENT
Si Sen. Panfilo Lacson naman, iginiit na hindi niya inaasahan na ganito ang gagawin ng isang itinuturing na "kaibigang bansa."

Sa nangyari aniyang insidente, dapat mag-usap ang dalawang lider ng bansa.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Palasyo sa crew ng isang Vietnamese vessel na siyang tumulong sa mga distressed Filipino fishermen.

Sabi sa DZMM ni Elizer Salilig, OIC regional director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Mimaropa, nakaangkla at tahimik na nagingisda ang mga Pinoy nang bigla silang "binangga" ng Chinese vessel.

"Unang report, ayon sa anak ng may-ari, nakaangkla habang nangingisda ang mga Pilipino. [Parang] binangga ng mga Chinese fishermen at tila sinadya," ani Salilig.

Sabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, ang pag-abandona ng mga Chinese sa nabanggang bangka ng Pinoy ay indikasyon na sinadya ang "hit-and-run."

"May indikasyon ng pagkakasadya ang patuloy na pagtakbo ng barko matapos mabangga ang mga Filipino Fishermen," sabi ni Arevalo sa DZMM.

—Ulat nina Robert Mano at Johnson Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
China
Recto Bank
West Philippine Sea
hit-and-run
mangingisda
fishermen
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT