Chinese iniwan ang mga nabanggang mangingisdang Pinoy

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 06:49 PM

Isang sasakyang pandagat ng mga Pinoy ang lumubog noong gabi ng Linggo matapos bumangga sa isang barko ng mga Chinese sa West Philippine Sea, sabi ngayong Miyerkoles ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa isang pahayag, tinuligsa ni Lorenzana ang pag-abandona ng mga Chinese sa 22 mangingisdang Pinoy na sakay ng F/B GIMVER1 kasunod ng banggaan sa may Recto Bank.

"We denounce the actions of the Chinese fishing vessel for immediately leaving the incident scene abandoning the 22 Filipino crewmen to the mercy of the elements," ani Lorenzana.

Humiling si Lorenzana ng pormal na imbestigayson sa insidente at ng diplomatikong hakbang laban sa China.

Nakaangkla ang barko ng mga Pinoy nang tamaan ito ng barko ng mga Chinese, ayon kay Lorenzana.

Ang mga sakay ng isang Vietnamese fishing vessel ang sumagip sa mga mangingisdang Pinoy katuwang ang militar ng Pilipinas.

"We thank the captain and crew of Vietnamese vessel, for saving the lives of the 22 Filipino crew," ani Lorenzana. -- May ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.