PatrolPH

Taunang Apung Iru festival sa Apalit kanselado muli ngayong taon

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2021 04:36 AM

Inanunsyo ni Mayor Jun Tetangco na muling kanselado ang taunang Apung Iru Fluvial Festival sa bayan ng Apalit, Pampanga. 

Ang nasabing selebrasyon ay dinaragsa ng libu-libong deboto ni Apung Iru na pinaniniwalaang milagroso. 

Ipinoprosisyon ito sa ilog bilang pagpapasalamat sa buong taong biyaya sa tubig at may parada sa kalsada bilang pagpugay sa kaniya.

Karaniwang tumatagal nang 3 araw ang selebrasyon, mula Hunyo 28 hanggang 30, pero dahil sa banta ng COVID-19, pinapayuhan ang publiko na iwasan ang paghahanda at pag-imbita ng bisita. 

Epektibo sa June 26 ang liquor ban at limitado rin ang maaaring dumalo sa misa sa simbahan. — Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.