Daan-daang bangka, nakiisa sa pista ng Sto. Niño de Bula sa GenSan

Jay Dayupay, ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2018 04:56 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Aabot sa 100 bangka ang nakiisa sa taunang fluvial procession para sa pista ng Santo Niño de Bula sa General Santos City Lunes.

Sakay ng isang amphibian, inilipat sa isang fishing boat ang itim na Poong Santo Niño at inilabas sa simbahan para sa taunang fluvial procession.

Nakasunod sa imahen ang daan-daang fishing boats.

Tuwing pista, umuuwi sa siyudad ang mga mangingisda para makiisa sa prusisyon.

Maraming kinakaharap na hamon ang fishing industry ngayong taon,
kabilang na dito ang excise tax sa petrolyo. Humiling ng exemption sa gobyerno ang industry pero hindi sila napagbigyan. 

Aabot sa 60 hanggang 70 percent ng production cost ng mga fishing company ay gastos sa krudo. Kaya tiyak na magmamahal ang presyo ng isda.

Pero positibo pa rin ang mga fishing owner na malalagpasan nila ito sa tulong ng mahal na Poong Santo Niño.

"Just think positive. Wala na tayong magagawa diyan kaya positive na lang tayo," ani Michael Buhisan, pangulo ng Marchael Sea Ventures Corporation.

Binantayan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard ang prusisyon. Tinatayang nasa 100 bangka ang sumama ngayong taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.