Trash to Cashback: Basura pinapalitan ng points pambili ng pagkain sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Trash to Cashback: Basura pinapalitan ng points pambili ng pagkain sa QC

Trash to Cashback: Basura pinapalitan ng points pambili ng pagkain sa QC

Jervis Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

Sa "Trash to Cashback" na programa ng Quezon City ay pwedeng ipalit ang mga basura para sa environmental points na magagamit naman para ipambili ng pagkain sa iba't ibang partner merchants. Larawan mula sa Novaliches District Center

MAYNILA - Inilunsad ng Quezon City ang Trash to Cashback program kung saan pwedeng kumita ang mga residente sa sarili nilang basura.

Bagong proyekto ito nang Quezon City, partikular na ang Novaliches District Center.

Sa ilalim nito, pwedeng ipalit ang mga basura sa mga environmental points, na pwede namang magamit para ipambili ng pagkain sa iba't ibang partner merchants.

Ang isang kilo ng karton ay katumbas ng 3 environmental points.

ADVERTISEMENT

Ang isang kilo ng may kulay na plastic na recyclable kagaya na lang ng lalagyan ng mga shampoo ay katumbas ng 13 environmental points.

Ang isang kilo ng clear na plastic kagaya na lang ng lalagyan ng isang galong alcohol ay 18 environmental points.

Ang isang kilo ng pet bottle ay nasa 6 points.

Ang isang kilo ng mga plastic tulad ng sachet ng shampoo ay 1 point.

Ang papel gaya ng shredded, bond, at newspaper ay may 1-3 points.

Pwedeng dalhin yan sa trash to cashback drop off and exchange sa Novaliches District Center.

Ang maiipon na puntos ay pwedeng ipambili ng pagkain sa iba't ibang partner merchants na makikita sa bxtra.com.ph.

Makikita dyan ang mga partner na restaurants at shops kung saan magagamit ang points.

Sisimulan ito sa mga empleyado ng Novaliches District Center at ibababa sa lahat ng mga barangay at residente ng district 5 ng Quezon City.

Sa Novaliches District Center ang dropoff ng basura na pwedeng i-recycle.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.