Mga taga-Metro Manila puwede nang ipagpalit ang basura para sa grocery | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga taga-Metro Manila puwede nang ipagpalit ang basura para sa grocery

ABS-CBN News
Published Jun 10, 2021 04:14 PM PHT
|
Updated Jun 10, 2021 09:52 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) — Inilunsad ngayong Huwebes ng Metropolitan Manila Development Authority ang isang proyekto kung saan maaaring ipagpalit ng mga residente ang kanilang mga basura para sa grocery items.

Layon ng Mobile Materials Recovery Facility na matugunan ang problema sa basura sa Metro Manila, na maaari umanong maging sanhi ng pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan.

Sa ilalim ng proyekto, puwedeng ipalit ng mga taga-Metro Manila ang kanilang mga basura, tulad ng bote at dyaryo, para sa essential goods gaya ng mga de-lata, bigas at noodles.

Ang mga tauhan ng barangay umano mismo ang pupunta sa mga bahay-bahay at iko-convert ang basurang ibibigay nila sa points, na siyang ipambibili ng mga produkto.

ADVERTISEMENT
Magtatakda umano ang barangay ng schedule para sa pagpapalit ng basura at may passbook din ng grocery points na ibibigay sa mga residente.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, napapanahon ang proyekto lalo't napakalaking banta ng baha tuwing tag-ulan.

Nakikipag-usap umano ang MMDA sa mga junk shop owner sa buong Kamaynilaan para puwedeng dumeretso doon ang mga barangay na magdi-dispose ng mga recyclable material.

Ang perang makakalap sa mga junk shop ang gagamitin ng barangay pambili ng grocery items.

Ayon kay Abalos, 3 malalaking privately-owned landfill sa Metro Manila ang kinakausap ng kaniyang ahensiya para pag-aralan ang sistema ng waste-to-energy.

Magsasagawa rin ng mga seminar ang MMDA para ituro ang tamang composting na makatutulong din sa waste management ng mga lokal na pamahalaan.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Metropolitan Manila Development Authority
basura
waste management
environment
baha
tag-ulan
Mobile Materials Recovery Facility
grocery points
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT