MMDA inihahanda na ang pumping stations para sa papalapit na tag-ulan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MMDA inihahanda na ang pumping stations para sa papalapit na tag-ulan

ABS-CBN News
Published Jun 03, 2021 08:11 PM PHT

MAYNILA - Naghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authoridy (MMDA) para sa posibleng pagbaha sa Kamaynilaan, ngayong inaasahan na sa susunod na araw idedeklara na ng state weather bureau na PAGASA ang tag-ulan.

Pumunta na ang MMDA sa mga pumping station ng flood control unit, kung saan tinitiyak na masasala nila ang mga humaharang sa daluyan ng tubig.

Nasa 8 pumping stations, kabilang na ang pinakamalaking Tripa de Gallina sa Pasay City, ang gumagana.

Pero ang problema, ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, kailangan nang ayusin ang naturang pumping station dahil 45 anyos na ito.

"Itong pumping station na ito, ginawa noong 1976. This is a 45 year old pumping station, ganoon na siya katanda kaya it’s now due for repair," ani Abalos.

"Heto nakikipag-isa na tayo sa World Bank para i-repair na ito. But for the meantime, para tumuloy-tuloy ito importante na huwag nang umabot ang basura dito, kasi once umabot, nasisira 'yong pumping station," dagdag niya.

Dagdag ni Abalos, sa oras na hindi masala ang mga basura, bibigay ang mga pumping station at maaaring bumaha ulit.

"Basta masira ito, delikado tayo sa Metro Manila. Again, inuulit ko these are 8 pumping stations. Ang pina-pump nito ay 7 cubic meter per second. So you could just imagine kung wala ito ano ang mangyayari sa kalakhang Maynila lalo na ang katabing Pasay, ang Makati, etcetera," ani Abalos.

Dahil dito, mahigpit na mino-monitor ang drainage at sewerage, gayundin ang mga estero sa mga lugar na laging lumulubog kapag tag-ulan gaya ng Maynila, Pasay, at Marikina.

Catch basin kasi ang mga mga ito kaya binabaha kahit kakaunti lang ang ulan.

Garbage nets din ang iniisip na ilagay ng MMDA sa mga ilog para di magbara sa pumping stations.

Wala namang tigil sa paglilinis ng mga estero ang MMDA katuwang ang mga LGU pero hindi pa rin maiwasan ang pagbabalik ng basura.

Dahil dito, paalala ni Abalos: "Ilagay ang basura sa tamang lalagyan, sa basurahan. 'Wag tayong magtatapon ng basura sa kalye o saan man lalo na sa ilog. Otherwise, babalik talaga sa atin ito.”

Mahigit 6,000 cubic meters na basura ang nasabat sa major pumping stations sa Metro Manila noong nakaraang taon.

— Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Metropolitan Manila Development Authority
ulan
rain
MMDA
PAGASA
Maynila
Pasay
Marikina
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT