76 na vintage bomb nahukay sa Davao City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
76 na vintage bomb nahukay sa Davao City

ABS-CBN News
Published Jun 23, 2021 08:37 PM PHT

Umabot sa 76 na mga antigong bomba ang narekober ng mga awtoridad mula sa isang hinuhukay na kanal sa Davao City, Miyerkoles ng umaga.

Unang nadiskubre ang nasa 13 round cartridge na 81mm mortar high explosives at 4 na rounds cartridge ng 81mm mortar illuminator sa mga hinakot na lupa sa dump site ng JV Angeles Construction sa Purok 4, Barangay Lower Lacson, Calinan.

Naalarma ang mga pulis kaya pinahinto ang paghuhukay ng backhoe sa may Narval Road para magsagawa ng clearing operation.

Habang nagsasagawa ng clearing operation, may 44 rounds cartridge na 81mm mortar high explosives at 15 rounds cartridge ng 105mm mortar pa ang nahukay.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Police Major Jake Goles, hepe ng Calinan Police Station, ito ang pinakamaraming vintage bomb na nahukay mula nang mag-umpisang maghukay ang JV Angeles para sa pipe laying.

Nakipag-ugnayan na ang Calinan Police sa Explosives Ordnance Division Team ng Task Force Davao para sa proper disposition ng mga vintage bomb.

—Ulat ni Cheche Diabordo
KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT