Biyahe sa EDSA bahagyang bumilis: MMDA survey | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Biyahe sa EDSA bahagyang bumilis: MMDA survey

Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Jun 22, 2023 04:17 PM PHT

MAYNILA — Bahagyang bumilis ang biyahe sa EDSA sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga sasakyan na dumadaan dito, ayon sa traffic survey ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Batay sa traffic survey ng MMDA noong Mayo 22, 2023, umabot sa 425,890 na mga sasakyan ang dumaan sa EDSA. Mas mataas ito nang 4.93 porsiyento sa 405,882 na dumaan sa EDSA noong Hulyo 8, 2019.

Nasa 24.98 kilometers per hour (kph) ang naitalang travel speed ng mga sasakyan sa EDSA mula Roxas Boulevard hanggang Monumento (northbound), habang 22.46 kph naman sa southbound nitong Mayo 22.

Mabilis ito kumpara sa 21.67 kph travel speed ng sasakyan sa EDSA-Northbound habang 11.02 kph naman sa EDSA-Southbound noong Enero 20, 2020, o bago ideklara ang pandemya.

Malaki ang naitulong ng bus carousel sa pagluluwag ng EDSA, ayon sa MMDA.

"Nabawasan din po ang mga bottleneck. Kung makikita n'yo po may mga peak hours lang talaga. Nagde-deploy kami ng 900-1000 traffic enforcers kada shift para iwasan ang traffic violation na nagdudulot ng traffic at aksidente," sabi ni Melissa Carunungan, tagapagsalita ng MMDA.

Ang taxi driver na si Wilfredo Lora, hindi naniniwala na may pagbilis na sa usad ng mga sasakyan. Mas makabubuti aniya kung aalisin na lang ang window hours sa coding para mas lumuwag ang mga kalsada.

"Hindi ako naniniwala kasi minsan matrapik minsan hindi minsan mabilis minsan hindi. Kahit Linggo minsan mabilis, minsan hindi. Pag nakita ko na medyo trapik lilihis na ako hindi na ako dadaan sa EDSA," aniya.