Lalaki, tinamaan ng ligaw na bala sa Marawi | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, tinamaan ng ligaw na bala sa Marawi

Lalaki, tinamaan ng ligaw na bala sa Marawi

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 22, 2017 07:48 PM PHT

Clipboard

MANILA- Isang lalaki ang tinamaan ng hinihinalang sniper bullet sa loob ng compound ng kapitolyo sa bayan ng Marawi Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima bilang si Ismael Saripada, mula sa bayan ng Marantao, Lanao del Sur.

Tinamaan si Saripada ng ligaw na bala sa bandang hita sa loob ng compound mismo ng kapitolyo.

Nakatayo umano si Saripada sa harap ng kaniyang tricycle nang mangyari ang insidente. Agad namang isinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital.

ADVERTISEMENT

Nauna nang tinamaan ng ligaw na bala ang isang sasakyang gamit ng ABS-CBN News na nakaparada malapit sa kapitolyo.

Tumama ang bala sa kanang bahagi ng van malapit sa likurang gulong habang nasa loob nito ang ABS-CBN cameraman na si Val Cuenca. Wala namang nasugatan sa pangyayari.

Ang kapitolyo ay may ilang kilometrong layo lamang mula sa sentro ng bakbakan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at Maute group.

Kamakailan lamang ay tinamaan din ng ligaw na bala ang Australian journalist na si Adam Harvey. Nakaligtas ito sa insidente.

May isang buwan na ang bakbakan ng mga tropang militar at mga teroristang nauugnay sa Islamic State, na napag-alamang matagal nang pinagplanuhan ang pagkubkob sa siyudad, ang sentro ng komersiyo sa Lanao del Sur. -- Ulat ni Edwin Sevidal, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.