20 sugatan sa banggaan ng 2 bus sa EDSA-Magallanes | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

20 sugatan sa banggaan ng 2 bus sa EDSA-Magallanes

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 19, 2018 10:15 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Hindi bababa sa 20 ang sugatan makaraang magbanggaan ang 2 bus sa EDSA-Magallanes ngayong Martes ng umaga.

Kuwento ng mga pasahero, mabilis ang takbo at nagpagewang-gewang ang Joyselle Express bus na biyahe sanang Baclaran.

Bumangga pa ito sa poste ng MRT bago sumalpok sa loading bay ng Magallanes, gayundin sa isang Mirage at isang VTSC bus na nakahinto roon.

Sa lakas ng banggaan, nasira ang mga salamin at harapang bahagi ng 2 bus, pati ang bubong ng loading bay.

ADVERTISEMENT

Makikita sa larawang ito ang pinsalang idinulot ng aksidente. ABS-CBN News

Iginiit ng Joselle bus driver na nawalan siya ng preno. Nasa kustodiya siya ng Makati Traffic Sector.

Dinala naman sa Pasay General Hospital ang mga pasaherong nagtamo ng minor injuries.

Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.