ALAMIN: Tips sa pag-iwas sa aksidente sa kalsada | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Tips sa pag-iwas sa aksidente sa kalsada

ALAMIN: Tips sa pag-iwas sa aksidente sa kalsada

ABS-CBN News

Clipboard

Sa pagtatala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagkaroon ng 109,322 aksidente sa kalsada sa Kamaynilaan noong 2016. Kung susumahin, halos 300 aksidente ang nagaganap kada araw. Mahigit 400 ang nasawi habang nasa 20,000 naman ang sugatan dahil sa mga aksidente.

Dahil kakatapos lang ng paggunita ng Road Safety Month nitong Mayo, muling nagpaalala ang ahensiya sa mga motorista na ugaliing i-check ang kondisyon ng kanilang sasakyan bago bumiyahe.

'''Yung water, air, your tires, 'yung auto, 'yung fuel. You have to check it,'' banggit ni Celine Pialago, spokesperson ng MMDA.

'''Pag [bumiyahe], dapat maayos 'yan to avoid 'yung mga ganoong klase ng aksidente.''

ADVERTISEMENT

Pinaaalalahanan din niya ang mga nagmo-motorsiklo na maging alerto sa lansangan lalo na’t mahigit 23,000 ang nadisgrasya dahil sa motor noong isang taon.

''First, you have to wear your helmet. That's very basic,'' ani Pialago.

''Check your motorcycle. Kagaya ng pag-check natin kung ikaw ay may-ari ng isang sasakyan. Then, the rider must be fit [to drive].''

Dagdag ni Pialago, ''Dapat ang ating mga rider, kumpleto sila ng gear. Kahit papaano, meron sana silang suot. Kung hindi man, sumusunod sila sa proper dress code. Dapat naka-pantalon. Dapat naka-jogging pajnts. Dapat naka-rubber shoes, hindi naka-tsinelas.

‘Yun yung mga basic na road safety tips para sa motorsiklo, para sa’yo. Kung sakali man maka-encounter ka ng accident, at least may protection ka.''

Nagbigay naman ng babala si Pialago sa mga motorista na sumunod sa itinakdang speed limit sa kalyeng dinadaanan.

''May mga areas tayo na may mga speed limit,” saad ni Pialago. “We are very active in apprehending yung mga violators natin pagdating diyan sa overspeeding. 'Wag tayong magtu-turn right or turn left ng walang proper signal. 'Wag tayong magsa-sudden break.''

Ima-maximize naman umano ng MMDA ang paggamit ng CCTV kung nalalabag nga ng motorista ang batas-trapiko o hindi.

Para sa karagdagang tips, sundan ang Red Alert sa Facebook page at Twitter account.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.