Isa na namang tulay sa Bohol bumagsak | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isa na namang tulay sa Bohol bumagsak

Isa na namang tulay sa Bohol bumagsak

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 16, 2022 07:49 PM PHT

Clipboard

Bumigay ang Borja Bridge sa bayan ng Catigbian, Bohol nitong Hunyo 16, 2022. Retrato mula sa Catigbian police
Bumigay ang Borja Bridge sa bayan ng Catigbian, Bohol nitong Hunyo 16, 2022. Retrato mula sa Catigbian police

(UPDATE) Isa na namang tulay sa Bohol ang bumagsak nitong umaga ng Huwebes pero wala namang naiulat na nasaktan sa nangyari.

Bandang alas-9:30 ng umaga nang bumigay ang Borja Bridge sa Catigbian matapos dumaan doon ang isang dump truck na puno ng buhangin, ayon kay Maj. Rufo Potane, hepe ng pulisya sa bayan.

Papunta sana sa bayan ng Sagbayan galing sa bayan ng Cortes ang dump truck nang mangyari ang insidente, ani Potane.

Sa ulat ng Catigbian police, unti-unting bumigay ang steel bridge habang dumadaan ang nasabing truck.

ADVERTISEMENT

Ang truck lang umano ang nag-iisang tumatawid sa tulay nang mangyari ang insidente at ligtas naman ang driver nito.

Ayon sa ulat ni Provincial Engineer Camilo Gasatan kay Gov. Arthur Yap, 20 tons lang ang "maximum allowed passer weight" ng nasabing tulay.

Pero ang 12-wheeler double I-beam truck ng Alturas Group of Company, na may bigat na 8 tons, ay may lamang 24 cubic meter wet sand na may bigat na 38.4 tons.

"It is concluded that the collapse was caused by overloading," sabi ni Gasatan.

Noong Abril, bumigay ang isang tulay sa Loay, Bohol na ikinasawi ng 4 na tao.

- Ulat ni Vilma Andales

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.