Mga nakaligtas sa pagguho ng tulay sa Bohol, inilarawan ang insidente | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nakaligtas sa pagguho ng tulay sa Bohol, inilarawan ang insidente

Mga nakaligtas sa pagguho ng tulay sa Bohol, inilarawan ang insidente

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Ramdam pa rin ng mga nakaligtas sa pagguho ng tulay sa Loay, Bohol ang takot ilang araw matapos ang insidente.

Ang isang nakaligtas na si Luz Laolao, napadasal nang mangyari ang insidente.

"Papasok na kami sa tulay, may malakas na putok, 'boom.' Sabi ko, 'in Jesus' name, in Jesus name.' Tapos meron naman putok na naman 'boom, boom.' Pangatlo na 'yung putok niya, 'yung sasakyan namin nasa tubig na. 'Yung asawa ko, sabi niya, 'Labas ka na, labas ka na.' 'Saan ako lalabas, du'n na sa bintana,'" ani Laolao.

Kasama sa mga nabuhay ang 10 anyos na si Marianna. Pero ang lola niya, hindi pinalad.

ADVERTISEMENT

Pauwi na sana ang maglola sakay ng tricycle nang bumagsak ang tulay.

“Nu'ng time na 'yun wala ako dito. Sila lang maglola. Sana matulungan kami kung sino managot sa pagkakuwan ng bridge. Matulungan kami sa kaunting financial sa pang-araw araw dito sa anak ko. Naawa talaga ako sa kaniya at sa Mama ko. Talagang naka-survive siya ang daming pasa niya sa tiyan," anang ina ni Marianna na si Shiela Calaguda.

Sa paunang imbestigasyon, nag-counterflow ang dump truck na may dalang graba at bato para sa ginagawang bagong tulay katabi at kapalit ng lumang tulay.

Taong 1970s nang gawin ang tulay para makatawid sa Loboc River. Taong 2013 nang matukoy ng Department of Public Works and Highways na nagtamo ng pinsala ang tulay.

Taong 2018 sinimulan ng DPWH ang paggawa ng bagong tulay kapalit ng lumang tulay at target sanang mabuksan ito sa susunod na Miyerkoles.

Habang wala pa ang bagong tulay, pinadadaan ang mga motorista sa Sikatuna Road para makatawid sa Tagbilaran at sa Jagna.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.