Voter registration sa Davao City, suspendido hanggang Agosto 31 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Voter registration sa Davao City, suspendido hanggang Agosto 31

Voter registration sa Davao City, suspendido hanggang Agosto 31

ABS-CBN News

Clipboard

Mananatiling sarado ang tanggapan ng Commission on Elections sa Davao City hanggang Agosto 31, 2021.

Sarado ang mga opisina ng Commission on Elections sa Davao City simula ngayong buwan hanggang sa Agosto 31, 2021.

Sinunod ng Comelec Davao City office ang inilabas na Executive Order No. 31 ng lungsod, o ang regulasyon sa mga aktibidad sa lahat ng barangay, local at national government offices.

Kabilang ang voter registration sa mga face-to-face events na ipinagbawal kaya ito sinuspinde muna ng Comelec.

Ayon kay Atty. Gay Enumerables, Assistant Regional Director ng Comelec Davao, naka-work from home din ang kanilang mga tauhan dahil sa ipinatutupad na modified enhanced community quarantine sa Davao City.

ADVERTISEMENT

Kung sakaling matapos na ang MECQ sa lungsod, maaari nang magbalik-opisina ang mga empleyado ng Comelec Davao, pero suspendido pa rin ang voter registration dahil sa executive order.

Hanggang Setyembre 30 na lang ang voter registration, kaya nababahala si Enumerables sa posibleng pagdagsa ng mga tao.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.