Unang bahagi ng Manila Bay beach enhancement project, 80 pct nang tapos - DENR | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Unang bahagi ng Manila Bay beach enhancement project, 80 pct nang tapos - DENR

April Rafales,
ABS-CBN News
Published Jun 16, 2021 07:45 PM PHT

MAYNILA - Nasa 80 porsyento nang tapos ang phase 1 ng Manila Bay beach enhancement project kung saan bahagi nito ang kontrobersyal na pagtambak ng dolomite sand, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Miyerkoles.

May habang 140 meters at kapal na 1 meter ang artificial white sand sa Manila Bay beach.

Ayon sa awtoridad, pinapatag na lang daw ito at hinihintay pang dumating ang mga panghuling batch ng dolomite.

Ipinagmalaki rin ni Environment Secretary Roy Cimatu ang paglinis ng tubig sa nasabing bahagi ng Manila Bay.

ADVERTISEMENT
Mula sa milyon-milyon na most probable number o MPN per 100 milligrams na fecal coliform level ng tubig, bumaba ito sa 142 mpn noong Hunyo, at aniya, dahil ito sa dolomite.

“We were able to prove that it can clean the water. The water here is definitely cleaner than the water doon sa wala pang dolomite. Dito namin na-register yung 142, dito pinakamababa. It has a distinct character na finifilter niya yung water by itself,” paliwanag ni Cimatu.

Pero aniya, hindi pa rin ito sapat para buksan ang Manila Bay sa publiko.

Bubuksan lamang daw ito at papayagang lumangoy dito ang publiko kapag naabot na ang 100 MPN na siyang ligtas o katanggap-tanggap na level.

Nagtanim rin ng 10 puno ng niyog o coconut trees sa may baywalk ang DENR.

PANOORIN:
Plano ng ahensya na magtanim dito ng 60 coconut trees at isa pang klase ng halaman.

Maglalagay din ng mga malalaking umbrella para sa publiko na nais maligo kapag pormal na itong binuksan.

BASURA SA TUBIG
Sa kaniyang pag-inspeksyon sa Manila Bay nitong Miyerkoles, natiyempuhan naman ni Cimatu ang mga basura sa tubig na pinaniniwalaan niyang inanod mula sa Cavite.

“I gave order already na yung aking Regional Director diyan, linisin din yung coastal nila sa Cavite. Kasi 'yun nga, 'pag lumaki yung alon, hihilain niya yung sa beach nila, pupunta dito.Karamihan 'yan, galing doon," sabi niya.

"We will clean all the coast mula dito sa Paranaque hanggang doon sa may Ternate shoreline doon, tsaka yung river na bumababa. All the creeks in Tagaytay, papunta lahat dito sa beach dito. So ganun talaga kalawak yung dapat linisin,” sabi ni Cimatu.

Samantala, sinabi ng Oceana Philippines na tila binalewala ng DENR ang panawagan ng iba’t ibang environment groups na magsagawa ng environmental impact assessment bago ituloy ang pagtatambak ng dolomite.

“Natapos na sila, hindi pa nga sila gumagawa ng pag-aaral kahit na sinasabi ng iba’t ibang grupo na dapat sana pag-aralan yung ginagawa nila. Pero parang di nakikinig yung ating goibyerno sa sinasabi ng mga tao,” ani Oceana Philippines Legal and Policy Director Atty. Liza Osorio.

Dagdag pa niya, hindi rin masasabing dahil nga sa dolomite kaya bumaba ang fecal coliform level sa lugar.

“Kung ina-attribute nila yun directly sa dolomite, ano yung ebidensya nila? Kasi hindi naman natin directly na ma-attribute na ganun kadali. Hindi naman ganun kadali yung siyensya doon,” ayon kay Osorio.

Hamon ng grupo sa DENR na magkaroon ng Manila Bay sustainable development plan kung saan mababawasan ang masasamang epekto ng matinding mga bagyo at pagbaha sa lugar.

Inaasahang matatapos ang beach nourishment project ngayong buwan o sa Hulyo.

[b] PANOORIN:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Manila Bay
dolomite
dolomite beach
Department of Environment and Natural Resources
environment
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT