Di na kailangan magsuot ng face shield sa lansangan: DOH official | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Di na kailangan magsuot ng face shield sa lansangan: DOH official

ABS-CBN News
Published Jun 16, 2021 04:41 PM PHT
|
Updated Jun 16, 2021 09:07 PM PHT

MAYNILA — Sinabi ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles na puwedeng hindi na magsuot ng face shield kung nasa kalsada o outdoors sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19.

"Kapag nasa outside naman, ang risk of transmission is very low. 'Pag naglalakad ka sa kalye, baka maka-affect 'yung moist nito, so puwede ninyo pong tanggalin 'yan," ani Health Undersecretary Leopoldo Vega.

Matatandaang kamakailan ay ilang opisyal na ang pumuna sa pagmandato sa face shield, partikular na si Manila Mayor Isko Moreno.

Pero sabi ni Vega, kailangan isuot ang face shields kung nasa loob ng establisimyento tulad ng malls.

ADVERTISEMENT
"Ang face shields, kailangan lang naman talaga 'yan 'pag nasa indoor ka, 'pag nasa mall ka or pag may interaction ka face to face inside," aniya.

"Kapag pumasok kayo indoors po, kailangan may face shields kasi ito 'yung added protection na hindi kayo maka-transmit o mahawaan kayo," dagdag niya.

Inaalam ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya sa Department of Health kung ito na ang bagong polisiya ng kagawaran.

"In so far as the DILG is concerned, required po talaga ang face shield, whether indoor or outdoor. Narinig nga po namin yung statement ni Usec Vega, and I’m trying to find out from the DOH kung meron na silang pagbabago sa kanilang policy," sabi ni Malaya sa programang Kuwentuhang Lokal sa ABS-CBN TeleRadyo.

"For the DILG, it is an added protection, whether you are indoor or outdoor. Kung aalisin mo kasi yan, makakalimutan mo na yan eh," dagdag niya.

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT