72-anyos na babae, sugatan matapos palakulin dahil umano sa away sa lupa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

72-anyos na babae, sugatan matapos palakulin dahil umano sa away sa lupa

72-anyos na babae, sugatan matapos palakulin dahil umano sa away sa lupa

ABS-CBN News

Clipboard

Ginagamot sa ospital ang isang 72-anyos na babae matapos palakulin sa Barangay La Opinion, Nabua, Camarines Sur. Larawan mula sa Nabua Municipal Police Station

Patuloy na ginagamot sa ospital ang isang 72-anyos na babae matapos palakulin sa bayan ng Nabua sa Camarines Sur.

"Puwersahang pumasok ang suspek sa bahay ng biktima, kaya nagising yung biktima at dumeretsong kusina. Tapos, yun agad, pinagtataga. Karamihan sa ulo yung tama," sabi ni Police Staff Sergeant Marlon Gallarte, tagapagsalita ng Nabua Municipal Police Station.

Ayon sa pulisya, ang 65-anyos na bayaw ng biktima ang suspek sa insidente na naganap Lunes ng madaling araw sa Barangay La Opinion.

Nakatakas pero nahuli pa rin sa hot pursuit operation ng pulisya ang suspek.

Sa imbestigasyon, lumalabas na may kinalaman sa alitan sa lupa ang motibo ng suspek sa krimen.

ADVERTISEMENT

"Ang asawa kasi nitong biktima, kapatid ng suspek. May pamanang lupa sa magkakapatid. Gusto pa daw angkinin ng biktima ang lupa na para sa suspek," ani Gallarte.

- Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA BALITA MULA SA ARCHIVES

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.