Lalaki, sugatan matapos palakulin ng kainuman | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, sugatan matapos palakulin ng kainuman

Lalaki, sugatan matapos palakulin ng kainuman

Cherry Palma,

ABS-CBN News

Clipboard

Narekober ng awtoridad ang palakol na ginamit ng tumakas na suspek. Cherry Palma, ABS-CBN News

MANDURRIAO, Iloilo City – Isang 33-anyos na lalaki ang sugatan matapos palakulin ng kainuman, Huwebes ng gabi.

Agad na isinugod sa pagamutan si Sopicio Sedullo para matahi ang sugat na tinamo sa kaliwang bahagi ng kaniyang mukha.

Ayon sa police blotter, nagkasagutan umano ang biktima at suspek na katrabaho rin nito habang nagiinuman sa isang compound sa Hibao-an Sur.

Dahil may matagal na silang alitan, kumuha ng palakol ang suspek pero masuwerteng nakailag ang biktima kaya ang kaliwang bahagi ng kaniyang mukha lamang ang natamaan.

ADVERTISEMENT

Narekober naman ng awtoridad ang 24-pulgada na palakol habang tinutugis pa ang suspek na tumakas matapos ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.