Robin Padilla, naghahanda na sa pag-upo sa Senado, makikipagdebate sa Filipino | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Robin Padilla, naghahanda na sa pag-upo sa Senado, makikipagdebate sa Filipino

Robin Padilla, naghahanda na sa pag-upo sa Senado, makikipagdebate sa Filipino

Robert Mano,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 14, 2022 08:05 PM PHT

Clipboard

Senator-elect Robin Padilla ABS-CBN News/file
Si Senator-elect Robin Padilla. George Calvelo, ABS-CBN News/file

MANILA — Nagtungo sa Senado ngayong Martes si Senator-elect Robin Padilla bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa pagiging isang mambabatas.

Personal niyang hiniling ang briefing sa Senate Legislative Department, batay na rin sa rekomendasyon ng Development Academy of the Philippines (DAP), kung saan naka-enroll siya sa isang programa kaugnay ng kanyang pagiging senador.

Aniya, tuloy-tuloy ang kanyang paghahanda at mahalaga na maaral niya ang mga pasikot-sikot ng Senado.

Una nang sinabi ni Padilla na nais niyang maging chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revisions of Code.

ADVERTISEMENT

Pero sa ngayon, wala pa umanong kumakausap sa kanya kung ibibigay ang komite sa kanya.

Sabi ni Padilla, 100 porsiyento na siyang handa sa kanyang bagong tungkulin at hindi raw niya ito tinitingnan na mahirap.

"Lahat madali. Wala namang mahirap kasi gusto mong gawin eh. Pag gusto mong gawin, madali lang iyon. Medyo ano lang, naninibago lang ako kasi hindi naman ako…summa cum laude ako sa cutting classes noong araw. Iba na ngayon. Ako na ngayon naghahanap ng gagawin," ani Padilla.

Watch more News on iWantTFC

Una nang sinabi ni Padilla na isa sa mga prayoridad niya bilang senador ang pagsulong sa pederalismo bilang bagong uri ng pamahalaan.

Ani Padilla, hindi problema para sa kanya ang pakikipagdebate. Sa pakikipagtalastasan, aniya, wikang Filipino ang gagamitin niya.

“Una, hindi naman Amerikano iyong mga kaharap ko para mag-English ako. Siguro kung Amerikano, well, I'm willing to debate. Pero mga Tagalog sila e, e di Tagalog tayo” paliwanag ng dating aktor.

Dagdag niya, isusulong niya ang kanyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya.

“Sa mga bumoto sa akin at sa mga 'di bumoto... ako'y nandito upang irepresenta po kayo. Iyan ang aking role. Iyan ang binigay niyo sa aking mandato. Kung anumang ginagawa ko rito, hindi para sa akin kundi para sa inyo," sabi ni Padilla.

"Kung gusto natin talaga na magkaroon ng tunay na pagbabago, mga mahal kong kababayan, yakapin na natin talaga ang charter change," dagdag niya.

Una na ring sumalang si Padilla sa briefing sa ekonomiya, foreign policy at iba pa.

—Ulat ni Robert Mano

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.