Babala ng DOH: Vape, e-cigarette, delikado pa rin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babala ng DOH: Vape, e-cigarette, delikado pa rin

Babala ng DOH: Vape, e-cigarette, delikado pa rin

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 15, 2017 01:43 AM PHT

Clipboard

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga gumagamit ng vape at e-cigarettes, lalo na sa mga kabataan, na iwasan ang paggamit ng mga produktong ito dahil mayroon pa ring dalang peligro ang mga ito.

Napag-alaman ng Food and Drug Administration na naglalaman pa rin ng tobacco ang vape at e-cigarettes.

Ibig sabihin, matatagpuan pa rin sa vape ang 7,000 delikadong kemikal na mayroon sa sigarilyo, ayon sa DOH.

"Walang safe level ng exposure to tobacco smoke, so maski kaunti lang iyan, it is still unsafe," ani Health Secretary Paulyn Ubial.

ADVERTISEMENT

Inilabas ang babalang ito kaugnay ng paggunita sa buwan ng Hunyo bilang 'National No Smoking Month'.

Sa kamakailang pinirmahang Executive Order 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, hindi umano saklaw ng batas ang vape.

Gayunpaman, hindi pa rin mapipigilan ang mga establisimiyento na ipagbawal ang mga ito, ayon kay DOH Assistant Secretary Eric Tayag.

Posible namang matapos na sa unang linggo ng Hulyo ang implementing rules and regulations ng executive order na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, ayon kay Ubial.

Ito ay bilang paghahanda sa pagpapatupad sa nasabing batas sa Hulyo 16.

Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo ang batas na ito na nagsasaad na bawal manigarilyo sa mga pampublikong lugar gaya ng paaralan, opisina, bangketa, at mga pampublikong sasakyan.

Sa ilalim din ng batas na ito, bawal gumamit, magbenta, o pagbentahan ang mga kabataan ng sigarilyo.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.