Saan bawal manigarilyo? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Saan bawal manigarilyo?
Saan bawal manigarilyo?
ABS-CBN News
Published May 19, 2017 05:40 PM PHT
|
Updated May 22, 2017 11:00 AM PHT

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 26, o ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob at labas ng pampubliko at pribadong ospital, eskuwelahan, terminal, palengke, mga hagdan at elevator, mga kainan, at mga pampublikong sasakyan.

Ramdam agad ng mga nagtitinda ng yosi ang epekto nito.

"Halos wala nang bumibili kasi bawal na," ani Aling Leoni, tindera ng sigarilyo.

ADVERTISEMENT
May ilan ding hinto muna sa pagyoyosi lalo na kapag nasa pampublikong lugar.

"Hindi na muna kasi bawal na. Para hindi mahuli, susunod na lang sa batas ng pangulo," anang 60 anyos na si Greg, isa sa mga dating naninigarilyo.

Ikinatuwa naman ito ng mga hindi naninigarilyo, tulad ni Trisha Conte.

"Paano kung may mag-smoke dito, tapos 'yung nakasasagap, may asthma pala, kaya kailangan din talagang may proper place para sa paninigarilyo," aniya.

Sa ilalim kasi ng smoking ban, kailangang magkaroon ng mga nakatalagang lugar para sa paninigarilyo sa loob ng mga gusali. Nakahiwalay din dapat ang labasan nito ng hangin, at may mga nakapaskil na babala ng masasamang epekto ng paninigarilyo.

Pero hindi puwedeng magkaroon ng designated smoking area ang mga establisimiyento gaya ng mga paaralan at lugar na dinarayo ng mga kabataan, mga ospital, clinic, laboratoryo, mga gasolinahan at imbakan ng mga madaling masunog, elevator at stairwell, at mga pinaghahandaan ng pagkain.

Ayon sa EO 26, ang mga parusa sa paglabag dito ay iaayon sa nakasaad sa Section 32 ng Republic Act 9211, or ang Tobacco Regulation Act of 2003.

Sabi sa batas na ito: Ang mga lalabag dito ay pagmumultahin ng mula P500 hanggang P1,000 sa unang offense. Nasa P1,000 hanggang P5,000 ang multa sa ikalawang paglabag, at P5,000 hanggang P10,000 ang multa sa ikatlo. Babawiin din ang business permit at license to operate ng establisimiyentong lumabag.

Bawal ding mamili, gumamit, o magtinda ng sigarilyo ang mga menor de edad.

"Tama naman din 'yun para makaiwas din sa bisyo," ani John Vincent de Guzman.

Ayon pa rin sa RA 9211: Ang mahuhuling nagbebenta, nagbibigay, o bumibili ng sigarilyo mula sa menor de edad ay pagmumultahin ng di bababa sa P5,000, o pagkakakulong ng di hihigit sa 30 araw, depende sa desisyon ng korte.

Ang vape, mistulang hindi natinag dahil hindi binanggit sa EO. Sa depinisyon ng EO 26, ang "smoking" ay pag-iingat o pagkontrol ng nakasinding tobacco product.

Ayon sa negosyanteng si Dennis Rostata, wala kahit trace ng tabako ang vape. Pinakita nya ang resulta ng lab test na pinagawa nya tungkol sa binebenta nyang produkto.

“Hindi naman talaga dapat isama tong Vape dahil ah wala naman kasi tong kasamang tobacco-ingredients, and then ‘yung nicotine naman na ito, optional lang kung gusto mong meron o wala,” ayon kay Rostata.

Bubuo naman ng mga smoke-free task force, kasama na ang pulisya, sa mga lokal na pamahalaan para manghuli at magsampa ng kaso sa mga lalabag.

Palalakasin din ang lokal na smoking cessation programs para tulungan ang mga gustong tumigil na sa paninigarilyo at ang mga mahuhuling lumabag sa batas na huminto na rin.

Mayroon namang mabuting epekto sa kalusugan ang pagtigil sa paninigarilyo, ayon sa Department of Health.

“Kapag tumigil sa paninigarilyo, kung tuluy-tuloy sa isang taon, mangangalahati po ang panganib sa heart attack. 'Pag tuluy-tuloy sa limang taon, mauuwi po ang kalusugan doon sa antas na maaaring hindi mauwi sa stroke. 'Pag sampung taong tuluy-tuloy, mangangalahati ang panganib na magkaroon ng lung cancer," ayon kay Assistant Secretary Eric Tayag ng DOH.

Dalawang buwan pa ang aabutin bago tuluyang ipatupad ang executive order sa buong bansa.

Nanawagan naman ang grupong Health Justice PH sa mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng kanilang ordinansa at maging istrikto sa pagpapatupad ng EO para hindi na maengganyo sa paninigarilyo ang ilang Pinoy at maging 100 percent smoke free na ang bansa.

"If all the local government units will impose such ordinance and strictly implement it after the signage of the EO today, we will soon breathe clean air in the whole Philippines and surely all Filipinos will be discouraged of smoking and will help the whole Philippines be 100% smoke-free country," ayon kay Mary Ann Mendoza, Presidente ng Health Justice PH.

Handa naman umano ang mga tindera na tumigil sa pagbebenta.

"Marami namang bagay na ibebenta. 'Yun lang namang sigarilyo ang ipinagbabawal, di naman lahat ng food. Okay lang 'yun, di ba? Good for the health," ani Kathryn, tindera ng sigarilyo noon.

Sasanayin na lang din umano ng ilang naninigarilyo ang sarili na magyosi sa mga piling lugar lang.

"Maganda 'yun, kasi ako, matatanggalan ng paninigarilyo. Kung lalabas 'yan, susunod ako. 'Pag pinatigil ako, titigil ako. Mas maganda nga na tanggalin na sa lahat," sabi ni Reynaldo Bondat, jeepney driver na naninigarilyo.

Ang parusa sa mga lalabag sa executive order na ito ay naaayon sa Section 32 ng Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003, at iba pang mga naangkop na batas.

-- Ulat nina Anjo Bagaoisan, Elaine Fulgencio, Jorge Cariño, at Kori Quintos, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT