KILALANIN: Mga pagpipiliang kandidato ng 1SAMBAYAN para sa Pangulo, VP | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KILALANIN: Mga pagpipiliang kandidato ng 1SAMBAYAN para sa Pangulo, VP

KILALANIN: Mga pagpipiliang kandidato ng 1SAMBAYAN para sa Pangulo, VP

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Anim ang pagpipilian para sa magiging kandidato ng 1SAMBAYAN, ang united opposition para sa pagka-pangulo sa Halalan sa 2022.

Kasama rito sina Vice-President Leni Robredo, Senador Grace Poe, dating Senador Sonny Trillanes, Jesus Is Lord movement founder at CIBAC Rep. Eddie Villanueva, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, at Atty. Chel Diokno.

Mula rin sa kanila puwedeng manggaling ang kakandidato para sa pagka-bise presidente.

Binuo ang coalition nina Atty. Howie Calleja, Bro. Armin Luistro, Fr. Albert Alejo, dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, at dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario.

ADVERTISEMENT

“We believe we must forge a common end to put an end to the failures of the Duterte administration,” ani Carpio, convenor ng grupo.

Tatlo sa napili ng 1SAMBAYAN ang nagpadala ng video message, kabilang si Robredo.

“Nakikiisa ako sa panawagang magkaisa, sabay ng pakiusap: Hindi puwedeng tayo-tayo lang ang mag-uusap; hindi puwedeng tayo-tayo lang din ang magkakaisa. Kung hindi tayo lilikha ng espasyo sa puso natin para sa iba, kung hindi natin kikilalanin na magkakahanay ang adhikain ng bawat Pilipino,” ani Robredo.

Kapwa namang nagpasalamat sina Poe at Santos-Recto sa tiwala ng mga tao, pero tinuldukan nila ang anumang espekulasyon.

Ani Poe, wala siyang planong tumakbo sa pagkapangulo. Wala ring plano si Santos-Recto kundi asikasuhin ang vaccination program sa Lipa City at ang kaniyang trabaho sa Kongreso.

Ayon sa 1SAMBAYAN, mahalaga sa pagpili ng kandidato ang malinis na track record, paninindigan sa mga isyu tulad ng pagtutol sa extrajudicial killings at paglaban para sa teritoryo ng Pilipinas, at iba pa.

Nauna nang naiulat na pinag-iisipan sina Sen. Nancy Binay at Manila Mayor Isko Moreno, pero sabi ni Carpio ipinatanggal nila ang kanilang pangalan.

Bukas din ang 1SAMBAYAN kay Sen. Ping Lacson kahit may tinik na isyu ukol sa Anti-Terror Law na Korte Suprema na ang magdedesisyon.

Tiniyak ni Carpio na lahat ng nakausap ay pumayag sa kanilang selection process ay payag na magbigay-daan sa mapipiling kandidato.

“All the candidates we have talked to, we asked them if you want to join the prcoess you have to agree to abide by the decision if you are not chosen you have to support and all of them so far agreed to abide by the decision,” ani Carpio.

Sa Setyembre iaanunsiyo ang mga pinal na kandidato ng partido.

— Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.