Pamilya Absalon hindi tatanggapin ang alok na tulong ng CPP-NPA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pamilya Absalon hindi tatanggapin ang alok na tulong ng CPP-NPA

Pamilya Absalon hindi tatanggapin ang alok na tulong ng CPP-NPA

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Hustisya pa rin ang sigaw ng ina ni Kieth Absalon, ang football player na nasawi sa pagsabog sa Masbate City noong Linggo, isang insidenteng inamin na ng New People's Army.

"The entire CPP and NPA take full responsibility for the tragedy. There is no justification for the aggravation this has caused the Absalon family," sabi ng NPA at Communist Party of the Philippines noong Martes.

Sabi ng grupo, ikinalulungkot nila ang pangyayari lalo't mga sibilyan ang nadamay kasama na ang pinsan ni Absalon na nasawi rin.

"We fervently hope that the Absalon family, their relatives and friends, and the entire Filipino people can accept our profoundest apologies, self-criticism and willingness to extend any appropriate form of indemnification," anila.

ADVERTISEMENT

Ang nanay ni Kieth, aminadong gumaan ang kaunti loob sa pag-ako ng NPA pero sigaw pa rin nila ay makamit ang hustisya.

Sa death certificate, lumabas na ang immediate cause of death ay hemorrhagic shock o labis na pagdurugo dahil sa tama ng bala at pagsabog.

Giit ng ina, hindi niya matatanggap ang anumang tulong mula sa CPP-NPA.

"Hindi ko na kailangan ang tulong nila na galing sa kanila para lang ako babayaran? Hindi na po, ayaw ko na... Batas na lang ang humusga," sabi Vilma Absalon.

Ayon kay BAYAN secretary general Renato Reyes at Kabataan Party-list, malinaw na paglabag sa international humanitarian law ang pagkamatay ng 2 sibilyan sa Masbate kaya hiling nila na ibalik na ang peace talks.

Pero bwelta ng Department of the Interior and Local Government, hindi dapat gamitin ang pagkakataon para sa pagpapanumbalik ng peace talks kundi dapat ay isuko na lang ng CPP-NPA ang mga nasa likod nito.

Sa Linggo nakatakdang ilibing ang mga biktima.

—Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.